
Hindi maiiwasan sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition ang magkaroon ng love teams o kaya naman ng asaran tungkol sa crushes. Katulad na lamang nina AZ Martinez at Ralph De Leon, na iniugnay sa isa't isa habang nasa loob ng Bahay ni Kuya.
Kaugnay nito, naging usap-usapan ng tila mixed signals na ibinigay ni Ralph kay AZ. Sabi kasi ng aktor ay wala siyang romantic feelings para sa aktres, ngunit iba ang nakikita ng mga mapanuring manonood.
Sa pagbisita ni AZ, kasama ang kaniyang ka-duo na si River Joseph, sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, July 23, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung totoo bang nakakatanggap ng mixed signals ang aktres mula kay Ralph.
Sagot ni AZ, “For me po, wala po talaga akong nakitang signal. I didn't get any mixed signals at all talaga.”
Kwento pa ni AZ, pagkatapos ng boy night out sa Bahay ni Kuya, kinausap na siya kaagad ni Ralph at nilinaw ang mga bagay na nasabi ng aktor tungkol sa kaniya.
“He cleared up everything to me, clarified everything, and he's been really honest and straightforward with how he feels and things, and I appreciate that about him, so wala po talaga,” sabi ni AZ.
Pagpapatuloy pa ng aktres, “For example, after the BNO, kinausap niya ako na he just wants me to know na may mga nasabi siya sa loob, 'yung confessions niya, pero he doesn't want me to think that there's more meaning to it.”
TINGNAN ANG ILANG FUN FACTS TUNGKOL KAY AZ SA GALLERY NA ITO:
Sabihin man ni AZ na okay siya, nag-viral naman ang isang clip niya nang nag-heartbroken sign matapos makausap si Ralph. Nilinaw naman ng aktres na hindi siya heartbroken sa aktor. Sa halip, nagbibiruan lang sila noon ni Michael Sager.
“Ako po, 'nu'ng nag-aasaran kami ni Michael [Sager]. Naglalakad ako sa pool 'tapos, gumanu'n ako as a joke na parang, 'Ah, heart broken,'” sabi ni AZ.
Aminado rin ang aktres na hindi siya sigurado kung masasabi niyang nagustuhan na niya si Ralph. Pero ayon sa kaniya, may mga moments na kinikilig siya sa aktor, at nagkaroon ng paghanga dito.
Pinabulaanan din ni AZ ang haka-haka na may gusto siya sa housemate na si Dustin Yu. Sa katunayan, hindi nga niya alam kung paano nasabi ng netizens na umamin daw siya sa aktor dahil wala naman talaga.