
Naging laman ng balita noon ang tungkol sa pagkawala umano ng dating aktres na si Azenith Briones. Mahigit dalawang linggo diumano siyang hindi makontak ng kanyang mga kaibigan.
Kaugnay nito, naging usap-usapan ang umano'y alitan nila ng kaniyang mga anak tungkol sa pera bago pa ito biglang nawala. Umabot ang isyu sa National Bureau of Investigation (NBI) nang dumalog dito ang aktres na si Isabel Rivas para mahanap ang kaniyang kaibigan.
Pagkalipas ng ilang buwan, nagpakitang muli si Azenith sa publiko at ibinahagi ang nangyari sa kaniya noong siya'y nawala. Sa kaniyang panayam kasama si Julius Babao, nilinaw ng dating aktres na siya raw ay pumasok sa rehab dahil sa kaniyang mga anak.
"Napunta ako doon kasi nakita ko 'yung reason ng mga anak ko is because they taught all the while I'm already addicted to gambling. Iyon 'yung reason noong nakita ko nga," sabi niya.
Pero klaro ni Azenith na hindi naman talaga siya naging adik sa pagsusugal. Pumupunta lang siya doon para sa kaniyang naging negosyo at mga kaibigan.
"But then sinabi ko nga hindi naman talaga ako ano because kilala ko naman sarili ko, e. Talagang hindi naman ako adik sa casino. Talagang ako'y minsan pumupunta roon, napapalimit. I have a lot of friends 'tapos 'yung negosyo ko rin. Doon din ako because I'm into jewelries, 'di ba? 'Tapos, may mga friends din ako doon nakakakuha ako ng mas mura. Alam mo naman sa casino, 'di ba? May mg alahas, may mga relo. So, I take it advantage sa kinukuha ko rin na then, pinupuhunan ako, then I sell it back," paliwanag niya.
Dahil napapansin ng mga anak niya na madalas ang kaniyang pagbisita sa sugalan, nagdesiyon sila na i-ban muna ang aktres sa casino.
Paliwanag ni Azenith na nag-uusap naman sila ng kaniyang mga anak ngunit madalas daw sila hindi nagkakaintindihan o nauuwi lamang sa away. Kahit pinangako niya noon na babayaran niya lahat ng kaniyang ginastos sa casino at hindi maapektuhan ang kanilang mga negosyo, tingin pa rin ng kaniyang mga anak na nagiging umano iresponsable at adik ang kanilang ina.
Nag-alala rin sila na baka naapektuhan na ang kaniyang kalusugan dahil madalas nilang nakikita itong nagpupuyat at binabantay ang kaniyang mga karamdaman.
"Sabi ko nga feeling ko noon, 'Eh iyon pala iyon,e. Di dapat nag-usap na lang tayo.' Kasi para hindi na lang naging ganoon lang kasi, siyempre, hindi ko masisisi 'yung mga tao, lalo na 'yung mga kaibigan kong close sa akin na nag-alala na rin. Saka 'yung ibang tao na hindi ko ka-close, na naalarma sila na dahil cellphone ko nakapatay,e. Dapat sinabi na lang nila para ang mga tao pati relatives ko, mga kamag-anak ko hindi mag-alala," pahayag ni Azenith.
Inamin naman ng kaniyang mga anak sa kanilang panayam na nagkaroon sila ng problema sa pamilya noon. Kaugnay nito, akala rin nila na ginagawa ng pampalipas oras ni Azenith ang pagsusugal para malimutan ang kaniyang mga problema. Nang nakita rin ng kaniyang mga anak ang iba pang sinyales na posible adik umano si Azenith, nagdesisyon silang lahat na ipasok na siya sa rehab center.
Panoorin ang panayam kay Azenith dito:
Samantala, narito ang ilang celebrities na sumailalim sa rehabilitation: