
Bukod sa karakter ni AZ Martinez sa The Secrets of Hotel 88, usap-usapan din sa serye ang tambalan nila ni Ralph De Leon.
Kinakikiligan ng viewers ang AZRalph na napapanood sa collab series bilang mag-amo na sina at Sari Garcia at Martin Madrigal.
Marami ang nakapansin sa natural na chemistry ng dalawa na nasaksihan sa ilang episodes nito.
Ang pagkamakulit ng karakter ni AZ na si Sari ay tila swak na swak sa pagiging strict ni Martin, ang role naman ni Ralph De Leon.
Patuloy na umaani ng positive reactions at comments ang AZRalph mula sa viewers ng The Secrets of Hotel 88:
Related gallery: Meet the cast of The Secrets of Hotel 88
Sina AZ at Ralph ay parehong ex-housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, kung saan nagsimula ang pag-ship sa kanila ng kanilang mga nakasama sa Bahay Ni Kuya at ng viewers.
Patuloy na tumutok sa suspense collab series na The Secrets of Hotel 88.
Ipinapalabas ito mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m sa GMA Prime.
Napapanood na rin ang serye sa Kapuso Stream, GMA Pinoy TV, TFC, iWant TV, at Kapamilya Online.