GMA Logo Marx Topacio, Lance Serrano
Photo by: Lance Serrano FB
What's on TV

Azulan at Memfes ng 'Sang'gre', nagkita sa mundo ng mga tao?

By Kristine Kang
Published October 16, 2025 6:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 22, 2025
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Marx Topacio, Lance Serrano


Nagsama ang mga ado nina Sang'gre Flamarra at Adamus sa mundo ng mga tao!

Sa gitna ng matinding digmaan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, tila dalawang “Ivtre” naman ang nagtagpo sa mundo ng mga tao!

Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ni Lance Serrano ang isang nakakatawang video na patungkol sa kanyang karakter sa 2016 Encantadia na si Memfes (ama ni Adamus).

Habang naglalakad sa isang court, tila may napansin si Lance sa mga nakaupo sa bench.

Ilang sandali pa, nilapitan niya ang kapwa Encantadia actor na si Marx Topacio, na gumanap bilang Azulan (ama ni Flamarra).

"Parang kilala kita?" tanong ni Lance.

"Ikaw din," sagot naman ni Marx.

Ngunit nang tawagin ni Lance ang co-star bilang Azulan, natawa ang mga nanonood sa sagot ni Marx.

"'Di ako 'yun. Pangalan ko Marx."

Kaagad na pinusuan ng fans ang video, sabik na makita muli ang dalawang ado ng New Generation Sang'gres.

Marami rin ang nagbahagi ng mga nakakatawang komento tungkol sa GMA superserye.

"Kaya pala hindi nagkita ang mag-adong Adamus at Memfes. Nauna palang gumala si Memfes kay Azulan," biro ng isang fan

"In another universe binuhay ulit ni Emre sa mundo ng mga tao walang powers at natanggalan ng alaala," dagdag pa ng isa.


Ginampanan ni Lance ang Adamyan na si Memfes, isa sa mga umibig kay Sang'gre Alena (Gabbi Garcia) at ama ni Adamus (Kelvin Miranda). Sa 2016 series, marami ang nalungkot nang pumanaw ang karakter bago pa niya makita ang kanyang anak.

Samantala, si Marx naman ang gumanap bilang Azulan, asawa ni Pirena (Glaiza De Castro) at ama ni Flamarra (Faith Da Silva). Sa mga nakaraang episode ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, muling nagkita ang pamilya ni Pirena sa Devas matapos niyang buhayin ang mga Brilyante. Namatay si Azulan sa digmaan laban sa mga Mine-a-ve.

Subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

KILALANIN ANG CAST NG 'ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE' SA GALLERY NA ITO: