GMA Logo karelasyon
What's on TV

Babae, nagpakasal para guminhawa ang buhay sa 'Karelasyon'

Published July 3, 2021 3:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Antigraft court junks $5.2M forfeiture case vs. Marcos kin
1 dead, 2 hurt in motorcycle crash in Davao City
How this Filipino fashion house journeyed from Calgary to the runways of Milan

Article Inside Page


Showbiz News

karelasyon


Love is sweeter when life is sour, ika nga. Mas tumitingkad nga naman ang pag-iibigan kapag ito ay nasusubukan.

Nagbabalik-telebisyon ang kinagiliwan at pinag-usapang drama anthology na Karelasyon.

Sa July 3 episode ng Karelasyon, napanood ang kuwento nina Roman (Mark Herras) at Agnes (Winwyn Marquez).

Nangarap ng magandang buhay si Agnes. Sa tingin niya ay giginhawa ang kanyang buhay kapag ikinasal na siya sa nobyong si Roman na nakakaangat sa buhay.

Sa simula ng kanilang pagsasama, unti-unting natutupad ang mga pangarap ni Agnes tulad ng pagkakaroon ng magandang bahay.

Ngunit dahil sa isang sakit na dumapo kay Roman, napilitan silang ibenta ang kanilang mga naipundar pati ang kanilang bahay.

Tila nakatadhana na ang pagiging mahirap ni Agnes pero sa isang hindi inaasahang pagkakataon, isang tao mula sa kanyang nakaraan ang magbabalik at handa siyang isalba mula rito -- ang ex-boyfriend niyang si Jamal na kabarkada ni Roman.

Nagpahayag muli ng pag-ibig si Jamal sa dating nobya. Kahit nakaangat na ngayon sa buhay, pinili pa rin ni Agnes na maging tapat sa kanyang asawa.

Dahil sa matinding pagsubok na ito, napatunayan ni Agnes na tunay ang kanyang pagmamahal kay Roman at mas matimbang pa rin ito kaysa sa anumang yaman.

Love is sweeter when life is sour, ika nga. Mas tumitingkad nga naman ang pag-iibigan kapag ito ay nasusubukan.

Panoorin ang buong episode dito:

Sa mga nais balikan ang full episodes ng Karelasyon, pumunta lang sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa iba pang impormasyon kung paano mapapanood overseas ang drama anthology.