
Nasaksihan noong Sabado sa "Utang" episode ng Wish Ko Lang ang perwisyong naranasan ni Bambi (Pauline Mendoza) at ng kanyang pamilya matapos na magpautang sa manloloko niyang kaibigan.
Kahit na gipit ay pinautang ni Bambi ang kinakapatid na si Rona (Mara Alberto) para matulungan ito na makabili ng gamot para sa ina niyang may sakit.
Pero ang hindi alam ni Bambi ay gagamitin lamang ni Rona ang pera sa paglalakad ng papeles papuntang Japan. Palabas lamang din niya na may sakit ang ina at sinasadya nang hindi magbayad ng utang.
Inaasahan ni Bambi ang perang ipinahiram para pambayad sa dalawang buwan na nilang kuryente at upa sa bahay. Dahil sa nangyari, napilitan ding mangutang si Bambi kahit na may mataas na interes para lamang mabayaran ang naputol nilang kuryente at upa sa bahay.
At para matulungan si Bambi, naghanda ng regalo ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales.
Kasama sa negosyo packages ang sari-sari store business, french fries business, frozen meat business, pasalubong business, leche flan business, RTW negosyo package, beauty soap business, at Christmas lantern business.
Hindi rin mawawala ang tulong na pinansyal ng Wish Ko Lang para sa pamilya ni Bambi.
Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
KILALANIN SI PAULINE MENDOZA SA GALLERY NA ITO: