GMA Logo Wish Ko Lang
What's Hot

Babaeng may dissociative identity disorder, tinulungan ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published December 6, 2021 1:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rising P-pop group 1st.One to hold Asia Tour in 2026
Complete list of winners at the MMFF Gabi ng Parangal
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Wish Ko Lang


May handog na maagang pamasko ang 'Wish Ko Lang' para sa pamilya ni Sunshine.

Nasaksihan natin noong Sabado, December 4, ang kakaibang kondisyon ni Sunshine na may dissociative identity disorder (DID) sa "Tatlong Katauhan ni Sunshine" episode ng bagong Wish Ko Lang. Binibigyang buhay ni Kapuso actress Barbie Forteza.

Kahit na may sakit ang inang si Lupe (Chanel Latorre), hindi sinukuan ni Sunshine (Barbie Forteza) ang pag-aalaga rito. Pero mayroong dissociative identity disorder si Sunshine at ang mga pangyayari sa kanyang buhay ang naging dahilan sa paglitaw ng iba niya pang katauhan, sina Loren at Romana.

Agresibo at mapang-akit si Loren, samantalang, bayolente at mapanakit naman si Romana.

Sa ngayon ay nasa isang mental institution na si Sunshine para magpagaling. Kaya naman para tuluyang makabangon, maagang pamasko ang handog ng bagong Wish Ko Lang at ng Fairy Godmother na si Vicky Morales para sa pamilya ni Sunshine.

Nariyan ang negosyo package na nagkakahalaga ng PhP 80,000. Mayroong milk tea business, merienda business, bigasan business at sari-sari store business.

Photo source: Wish Ko Lang

May handog ding dining table, dining chairs, dinnerwares at brand new kitchen appliances. Sagot na rin ng programa ang noche buena package at 1-year electric bill ng pamilya ni Sunshine. Dinagdagan pa ng shopping spree at staycation package.

Hindi rin mawawala ang tulong pinansyal at medical assistance para kina Sunshine at Lupe.

Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ng programa ang susunod na tampok sa "Lihim ng Punerarya" episode ngayong Sabado, December 11, sa bagong Wish Ko Lang, alas-4 ng hapon sa GMA.Inside link:

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang gmapinoytv.com.

Samantala, bibida sa "Lihim ng Punerarya" episode ng bagong Wish Ko Lang si Kapuso actress Kim Domingo. Kilalanin siya sa gallery na ito: