Celebrity Life

Babaeng nagparetoke, namaga ang ilong matapos masapak

By Bianca Geli
Published August 10, 2018 5:40 PM PHT
Updated August 10, 2018 5:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BI warns Filipinos about new stock market scam
Suspect in Cotabato grenade attack killed in hot pursuit
DOT issues statement after Secretary Cristina Frasco's magazine cover goes viral

Article Inside Page


Showbiz News



Tila nagsunod-sunod ang kalbaryo ni Josephine matapos masapak ng kanyang lasing na mister ang retokadong ilong niya.

Maayos naman daw ang pagpaparetoke ni Josephine, ngunit nang masapak siya ng kaniyang mister, namaga ito at doon na nagsimula ang kaniyang mga sunod-sunod na kalbaryo.

Kuwento ni Josephine sa Kapuso Mo, Jessica Soho, nag-paturok ng collagen sa ilong si Josephine upang tumangos ang kaniyang ilong. Ngunit namaga ito at tila nadamay na rin ang kalahati ng kaniyang mukha sa pamamaga.

Kuwento ni Josephine, “Noong 2016 po, nakipag-inuman ang asawa ko po sa kapit-bahay. Umuwi po siyang lasing at sinabihan niya ako na 'May lalaki! May lalaki!' Sabi ko, “Ano bang problema mo?” Hanggang napatayo ako. Bigla niya akong sinuntok sa ilong.”

Nagtrabaho bilang waitress sa Japan si Josephine para makatulong sa mga kapatid pero nagbalik na ito ng Pilipinas.

Bukod sa pagiging matulungin sa pamilya, hangad din ni Josephine na magpaganda. Kuwento niya, noong 2005 pa lang ay nagpaayos na siya ng ilong sa pamamagitan ng collagen injection.

Noong 2010, nakilala ni Josephine ang kaniyang mister, nagkaroon sila ng dalawang anak. Ang dati nilang matamis na pagsasama napalitan daw ng araw na araw na pag-aaway na nauuwi sa sakitan.

May pagkakataon na nasapak pa ng kaniyang mister ang kaniyang ilong dahil sa selos. HInayaan lamang daw ito ni Josephine, pero matapos ang isang taon, unti-unti na lang daw namaga ang kaniyang ilong.

Ayon kay Josephine, “Ang pamamaga niya po ay dahil sa pagsuntok kasi may nasal fracture ang ilong ko.”

Nang magpatingin si Josephine sa doctor, laking gulat niya sa resulta ng kaniyang mga check-up, ano kaya ang nangyari kay Josephine?