
Pamilya ang turing ni Rachelle Equinan sa alaga niyang asong si Buddy.
Aniya, sobrang saya niya noong nagkaroon siya ng pet kaya naman lahat ay kaya niyang gawin para maproteksyunan ito kahit pa sarili niyang kaligtasan ang nakataya.
Nasubok ang pagmamahal niya kay Buddy nang makita niya na itong masasagasaan ng tren.
Sa kabila ng panganib sa kanyang buhay, hindi siya nagdalawang-isip na iligtas si Buddy. Pero si Rachelle, pinsala sa katawan ang inabot matapos nito kaya kinailangan niyang maospital at operahan.
Babalik pa kaya sa normal ang kanyang kalagayan?
Abangan 'yan sa GMA News and Public Affairs year-end special na Year of the Superhero ngayong January 1, 2022, 7:15 p.m. sa GMA.