What's Hot

Babaeng nalagay sa panganib ang buhay matapos sagipin ang alagang aso, tampok sa 'Year of the Superhero'

By Jansen Ramos
Published December 31, 2021 10:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
US Senate Republicans block latest bid to rein in Trump Iran war powers
Cebu City logs 50 road accidents since start of 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Rachelle Equinan with pet dog buddy


Kumustahin ang kalagayan ni Rachelle Equinan, ang babaeng sumagip sa kanyang alagang aso mula sa paparating na tren, sa GMA News ang Public Affairs year-end special na 'Year of the Superhero' ngayong January 1, 2022, 7:15 p.m. sa GMA.

Pamilya ang turing ni Rachelle Equinan sa alaga niyang asong si Buddy.

Aniya, sobrang saya niya noong nagkaroon siya ng pet kaya naman lahat ay kaya niyang gawin para maproteksyunan ito kahit pa sarili niyang kaligtasan ang nakataya.

Nasubok ang pagmamahal niya kay Buddy nang makita niya na itong masasagasaan ng tren.

Sa kabila ng panganib sa kanyang buhay, hindi siya nagdalawang-isip na iligtas si Buddy. Pero si Rachelle, pinsala sa katawan ang inabot matapos nito kaya kinailangan niyang maospital at operahan.

Babalik pa kaya sa normal ang kanyang kalagayan?

Abangan 'yan sa GMA News and Public Affairs year-end special na Year of the Superhero ngayong January 1, 2022, 7:15 p.m. sa GMA.