GMA Logo Black Rider
What's on TV

Babangon muli ang Golden Scorpion sa 'Black Rider'

By Marah Ruiz
Published April 29, 2024 2:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Livestream: April 27, 2026
Man linked to Mamasapano massacre, 56 murder raps arrested
'Huwag Kang Titingin' | Don't look at each other challenge

Article Inside Page


Showbiz News

Black Rider


Ang laban na inakalang tapos na, may katuloy pa pala. Babangon muli ang Golden Scorpion sa 'Black Rider.'

Hindi pa tapos ang paniningil sa full action series na Black Rider!

Pinapahanap pa rin ni Senator William (Roi Vinzon) ang pamilya ni Elias (Ruru Madrid) at si Alma (Rio Locsin) ang magiging target nila.

Pero tila mauunahan pa sila ni Kapitana Babylyn (Maureen Larrazabal) dahil mangha-hijack ito ng isang jeep at akmang sasagasaan si Alma.

Sa pamumuno naman ni Hugo (Archie Adamos), nagpaplano na ang mga natitirang miyembro ng Golden Scorpion para itatakas si Señor Edgardo (Raymond Bagatsing) mula sa piitan.

Tuluyan na nga bang babangon ang Golden Scorpion at maibabalik ang makamandag nilang kapangyarihan at impluwensiya?

Samantala, ipapangako ni Paeng (Matteo Guidicelli) ang suporta kay Elias sa bagong digmaang haharapin ng matalik na kaibigan.

Makakabalik na rin si Joan (Arra San Agustin) sa Pilipinas. Matutuloy na ba ang pinakahihintay na kasal nina Paeng at Joan o mauuwi na naman ba ito sa isang madugong bangungot?

Kasabay nito, magkakaroon din ng digmaan para sa puso ni Elias. Magpapatalbugan sina Bane (Yassi Pressman) at Nimfa (Angeli Khang) sa isang swimsuit showdown.

Sino sa dalawa ang makakapukaw ng atensiyon ng ating matipunong bida?

A post shared by GMA Public Affairs (@gmapublicaffairs)


Patuloy na tumutok sa mga parating na episodes ng 2024 New York Festivals bronze medalist na Black Rider!

SILIPIN ANG MEDIA CONFERENCE PARA SA BAGONG YUGTO NG BLACK RIDER KUNG SAAN DUMALO SINA RURU MADRID, YASSI PRESSMAN, ANGELI KHANG AT IBA PANG MIYEMBRO NG CAST:



Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

Kapit lang sa mas suwabe, mas maangas at mas kapanapanabik na bagong yugto ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.

Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.