
Kakabog ang dibdib n'yo sa mas lalong tumitinding eksena sa huling linggo ng kinahuhumalingan ninyong GMA Afternoon Prime soap na Babawiin Ko Ang Lahat!
Hindi na papayag si Christine (Tanya Garcia-Lapid) sa pang-aapi na ginawa ni Dulce (Carmina Villarroel) sa kanyang pamilya.
Mabawi kaya ni Iris (Pauline Mendoza) at kanyang ina si Victor (John Estrada) na tinago mula sa kanilang dalawa?
Hanggang saan aabot ang kamalditahan ni Dulce sa pamilya Salvador?
Walang uurong! Walang bibitaw sa finale week ng Babawiin Ko Ang Lahat, pagkatapos ng Karelasyon sa nangungunang GMA Afternoon Prime.
Bago ang pagtatapos ng patok na afternoon drama, muling balikan ang naging lock-in taping experience ng cast sa gallery below: