
Nangyari na ang pinakahihintay nating resbak ni Christine sa Babawiin Ko Ang Lahat.
Hindi napigilan ng nanay ni Iris (Pauline Mendoza) ang kanyang sarili nang makita ang babaeng sumira sa kanyang pamilya.
Tinutukan ng televiewers ang mainit na tapatan na ito noong Lunes ng hapon, May 17, kung saan gigil ang ilan sa mga ito kay Dulce.
Source: GMA Network YouTube
Balikan ang ultimate resbak ng pamilya Salvador kina Dulce at Trina sa video above o panoorin DITO.
Sundan ang mga nagbabagang eksena sa finale week ng Babawiin Ko Ang Lahat, pagkatapos ng Karelasyon sa nangungunang GMA Afternoon Prime.
Sa pagtatapos ng serye, ating balikan ang naging lock-in taping experience ng cast noong 2020 sa gallery below: