GMA Logo Tekla
What's Hot

Baby Angelo ni Tekla, nasa maayos nang kondisyon matapos isugod sa ospital

By Dianara Alegre
Published November 20, 2020 5:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Flights cancelled, roads flooded as rare storm soaks UAE
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Tekla


Malugod na ibinalita ni Tekla na nasa mabuti nang kalagayan si Baby Angelo, “Salamat Lord. Ang sigla na ni Angelo."

Ibinalita ng The Boobay and Tekla Show host na si Tekla na nasa maayos nang kondisyon ang bunso niyang anak na si Angelo, matapos umano itong isugod sa ospital.

Sa Facebook post niya nitong Biyernes, November 20, ibinahagi niyang inilipat na sa recovery ward mula sa emergency room si Angelo at mabuti na ang kalagayan nito.

Tekla

“Sabi ko sa Kanya ni minsan 'di ako nagreklamo sa lahat ng pagsubok na naranasan ko then pumikit ako sabi ko lahat kakayanin ko, hinding-hindi ako magrereklamo, 'wag Mo lng pahihirapan si Angge.

“He answered and God knows kung ano kahinaan ko at alam niyang bibigay at ikalulumpo ko kaya 'di niya ako pinahirapan sa anak ko.

“Salamat Lord. Ang sigla na ni Angelo from ER transfer sa recovery ward. Lahat normal heartbeat, BP, oxygen level. Ginagamot na lang 'yung ubo niya. LORD SALAMAT,” lahad ni Tekla.

Sabi ko sa kanya ni minsan di ako nagreklamo sa lahat ng pagsubok na naranasan ko then pumikit ako sabi ko lahat...

Posted by SuperTeklah Librada on Friday, November 20, 2020

Marami ang nagpakita ng suporta kay Tekla at nagpaabot rin ng pakikisimpatya.

Netizens nagpakita ng suporta kay Tekla kasunod ng pagkaospital ni baby Angelo

Netizens nagpakita ng suporta kay Tekla kasunod ng pagkaospital ni baby Angelo

Source: SuperTeklah Librada (FB)

Matatandaang ipinanganak ang bunso ni Tekla na may anorectal malformation o walang butas sa puwit. Sumailalim na sa mga operasyon si Angelo at ibinahagi ni Tekla nitong Setyembre na naging matagumpay ang mga ito.