
Umabot umano sa “rock bottom” si Baby Doll Juby dahil sa isyu na kinasangkutan niya na may kinalaman sa aktor na si Donny Pangilinan.
Sa Fast Talk with Boy Abunda noong Huwebes, November 5, ibinahagi ni Juby na naging malaking lesson ang naturang insidente para sa kaniya, at para sa iba pang miyembro ng kanilang girl group.
“I would say na it hit me on my rock bottom, Tito Boy. Parang ang dami kong realizations and since kaka-start lang po namin, I would consider that na learning experience ko po and namin,” sabi ni Juby.
Dahil sa karanasan nilang ito, isang natutuhan nina Juby at ng kaniyang mga kagrupo ay maging maingat sa kanilang mga gagawin moving forward.
“Okay naman na po, kasi nag-usap na 'yung management ng side ko po and ng side ni Donny. Focus na po kami sa concert, sa ganap, 'yun po,” sabi ni Juby.
Ayon naman kay King of Talk na si Boy Abunda, wala taong perpekto at lahat naman ng tao ay nagkakamali.
“But I think that the thing is, we should be able to rise after a fall, and then become stronger,” sabi ni Boy.
KILALANIN ANG MGA MIYEMBRO NG BABY DOLLS SA GALLERY NA ITO:
Naging laman ng mga balita kamakailan lang si Juby nang aminin niya sa Gandang Gabi Vice na mayroon siyang "wet dreams" tungkol kay Donny. Nagdulot ito ng mga kritisismo mula sa mga netizens at sa mga supporter ng aktor na sinabing disrespectful ang komentong ito.
Samantala, nilinaw naman ni Donny na hindi siya na-offend sa sinabi ni Juby, ngunit sinabing magiging awkward para sa kaniya ang makita ang grupo nang personal. Naniniwala rin umano ang aktor na wala namang masamang intensyon ang Baby Doll member sa pagbabahagi ng panaginip niya.