GMA Logo Mati baby face driver, John Mark
What's Hot

Baby face driver sa Davao Oriental, naihalintulad kay Rambo ng 'Forever Young'

By Aimee Anoc
Published December 11, 2024 5:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Thieves drill into German bank vault and make off with millions
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News

Mati baby face driver, John Mark


Netizens sa kuwento ng baby face driver na si John Mark sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho': "Real life Rambo."

Naihalintulad ng netizens ang kuwento ng baby face driver na si John Mark Valdez mula sa Mati, Davao Oriental kay Rambo Agapito ng afternoon series na Forever Young.

Tulad ni Rambo, na pinagbibidahan ng award-winning Kapuso child actor na si Euwenn Mikaell, madalas na napagkakamalang bata si John Mark kahit na 19 years old na ito. Mayroon lamang siyang four feet na height, na kasing taas ng karamihan sa grade 2 student.

Pero, huwag ismolin si John Mark dahil mukha man siyang paslit ay kaya nitong magmaneho ng pickup truck, kotse, at motorsiklo.

"Hindi sila makapaniwala kasi parang 5 years old daw. Parang hindi 19 years old," kuwento ni John Mark sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

"Minsan po noong sumakay ako ng bus, sinabihan ako ng konduktor, 'Naku! Bawal bata rito baka maharang tayo sa checkpoint kasi may bata tapos walang kasama," dagdag niya.

Maagang namulat si John Mark sa mga responsibilidad sa buhay. Aniya, ang una niyang naging trabaho ay magpakain ng mga aso. Naranasan din niyang mamasukan bilang house boy.

Lumaki si John Mark sa kanyang lolo at lola, kung saan siya iniwan ng kanyang ina. Hindi na rin nito nakilala ang kanyang tunay na ama.

Sa kabila ng hirap, buo ang pangarap niya na maging isang businessman at magkapagpagawa ng malaking farm. Nasa unang taon na ngayon si John Mark sa kursong Bachelor of Science in Agri-Business Management.

Dahil sa tagos-pusong kuwentong ito ni John Mark at sa kanyang pagiging mukhang paslit, hindi naiwasan ng netizens na maihalintulad siya kay Rambo ng Forever Young. Narito ang ilan sa kanilang mga comments:

Pero ano nga ba ang kondisyon ni John Mark? Ayon sa isang espesyalista, sa tingin niya ay mayroon itong dwarfism, o kaya naman ay neotenic complex syndrome.

Alamin ang buong kuwento ni John Mark sa Kapuso Mo, Jessica Soho: