
May bagong bonding ngayon ang mag-ina na sina Pokwang at anak nito na si Baby Malia na makikita mismo sa social media.
Sa Instagram post ni Pokwang, makikita sila ni Malia sa kusina ng kanilang bahay. Si Malia ang naghihimay ng gulay na alugbati para sa ilulutong monggo ng kanyang ina.
"My little helper sa kusina hahahaha palibhasa paborito din niya ang alugbati sa monggo," caption ni Pokwang sa kanyang post.
Nagkomento naman sa post na ito ni Pokwang ang kanyang co-star sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento na si Sef Cadayona.
"Sipag! Pretty mana sa mommy!" ani Sef.
Mapapanood naman din ngayon si Pokwang sa Mano Po Legacy: Her Big Boss, gabi-gabi sa GMA Telebabad.
Samantala, silipin naman ang mga larawan ng iba pang bonding moments nina Pokwang at Malia sa gallery na ito: