What's Hot

Baby Zia, humihingi na ng kapatid kay Mommy Marian Rivera: "Baby boy"

By Bea Rodriguez
Published August 1, 2017 11:53 AM PHT
Updated August 1, 2017 12:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Megan Young, Mikael Daez mark first Christmas as parents
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Pangarap ni Marian na magkaroon ng malaking pamilya kaya mga apat na supling pa raw ang kanyang gusto.

Kung kailan daw nagka-asawa at anak si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, mas lalo siyang gumanda, sumexy at nabiyayaan ng maraming endorsements.

Sa event launch ng Snow Crystal White Tomato kung saan ipinakilala ang magandang aktres bilang endorser nito, marami ang nakapansin na talagang blooming si Marian.

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes) on

 

Ito raw ay dahil sa kanyang pananaw sa buhay at ang mga nakapaligid sa kanya. Kung tutuusin, nais na raw ng kanyang asawang si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na sundan na si Baby Zia.

“Gusto na niya pero hindi pa pwede! Kailangan ko muna mag-soap [kasi] pangako ko iyan sa GMA at tutuparin ko iyan. Sinasabi ko naman iyon sa GMA na after ng soap ko ay magta-try talaga kami. Sana bigyan uli kami ng pagkakataon na mabigyan uli ng chikiting,” saad ng tisay na aktres sa GMANetwork.com.

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on

 

Baby boy naman daw ang hinihiling ng pamilya Dantes, “Sana, pero kahit ano. Kung all girls kami, eh di swerte ni Dong [dahil] nag-iisa siyang lalaki sa buhay namin. Kung boy, eh di okay.”

Pati ang kanilang unica hija ay humihingi na rin sa kanyang mama, “Tanungin mo siya, alam niya. [Sabi niya,] ‘Baby boy.’ [Humihingi ng] baby brother daw.”

Pangarap ni Yan-Yan na magkaroon ng malaking pamilya kaya mga apat na supling pa ang kanyang gusto.

Samantala, balik Primetime na ang Kapuso star sa kanyang pagbibidahang GMA Telebabad soap na Super Ma’am  kung saan siya ay isang guro na may super powers.