Article Inside Page
Showbiz News
Bumida ang anak ni Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa 'The Love Collection' fashion show noong Sabado, March 21.
By CHERRY SUN
Isang fashion show kasama ang top couturier na si Rajo Laurel ang ginanap para ipakita ang sariling clothing line ng mga anak ni Ruffa Gutierrez na sina Venice and Lorin Bektas.
Mga bata ang bida sa 'The Love Collection' fashion show, kabilang na ang anak na babae ni Tessa Prieto-Valdez at ang kambal ni Joel Cruz. Ngunit ang scene-stealer sa event ay walang iba kundi ang anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, si baby Zion.
Karga ni Sarah ang kanilang anak na walang tigil ang pagkaway habang sila ay rumarampa bilang pagtatapos ng fashion show.
“I’m so happy to see everybody there up on the stage, si Sarah and si Zion. Zion was having fun,” wika ni Richard sa
Balitanghali.
“I’m happy na hindi naman nagkaroon ng bad mood si Zion and he was really game naman,” dagdag naman ni Sarah.
Proud na lola rin si Anabelle Rama na dumalo sa event kasama ang asawang si Eddie.
Aniya, “I’m very happy. I’m proud na ang gagaling talaga ng dalawang apo ko, pangatlo si Zion.”
Ipinagmamalaki rin ni Ruffa ang kanyang dalawang anak na sa murang edad ay nagdidisenyo na ng kanilang sariling clothing line.