GMA Logo G Flicks
What's on TV

Back-to-back James Bond movies, tampok sa G!Flicks ngayong linggo

By Marah Ruiz
Published November 26, 2021 5:30 PM PHT
Updated November 29, 2021 11:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

G Flicks


Narito ang inihandang lineup ng G!Flicks ngayong linggo sa GTV.

Action-packed ang ating linggo sa mga pelikulang hatid ng G!Flicks sa GTV.

Sa November 29, mapapanood ang blockbuster hit na Mechanic: Resurrection.


Tampok dito ang action star na si Jason Statham bilang isang retired professional assassin na mapipilitang magtrabaho muli matapos kidnapin ng isang arms dealer ang kanyang girlfriend.

Bukod kay Statham, kabilang din sa star-studded na pelikula ang Hollywood stars na sina Jessica Alba, Tommy Lee Jones at Michelle Yeoh.

Back-to-back James Bond films naman ang mapapanood sa November 30 at December 1.


Magtatapos ang November sa pelikulang Skyfall, ang ika-23 pelikula sa James Bond series.

Bibida dito si Daniel Craig bilang ang tanyag na fictional British Secret Service agent. Magbabalik si Bond sa serbisyo para tugisin si Raoul Silva, isang dating MI6 agent at isa na ngayong cyberterrorist.

Tampok din sa pelikula sina Judi Dench at Javier Bardem.


Bubuksan naman ng 1999 film na The World Is Not Enough, ang ika-19 pelikula sa James Bond series. Pinagbidahan naman ito ni Pierce Brosnan bilang James Bond.

Sa pelikulang ito, kailangang protektahan ni Bond ang isang oil heiress na target ng most wanted terrorist sa mundo, habang pinipigilan ang isang nuclear war.

Makakasama ni Brosnan sa pelikula sina Sophie Marceau at Denise Richards.

Isang big-budget action fantasy film mula sa iconic Chinese filmmaker na si Zhang Yimou ang mapapanood sa December 2.


Magkahalong Hollywood at Asian big names stars din tulad nina Matt Damon, Pedro Pascal, Willem Dafoe, Andy Lau at Lu Han ang mapapanood sa big-budget action fantasy film na The Great Wall.

Kuwento ito ng isang European mercenary na makakatuklas ng mga halimaw na itinatago ng Great Wall of China.

Susundan ito ng martial arts film na Drunken Tai Chi sa December 3. Tampok dito si Donnie Yen sa kanyang first starring role.

Gaganap siya dito bilang pasaway na anak ng isang negosyante na magbabagong-buhay matapos kupkupin ng isang Tai Chi master.

Matutunghayan naman ang science fiction disaster film na Weather Wars sa December 4.

Kuwento ito ng dating tanyag na scientist at meteorologist na nakaimbento ng paraan para kontrolin ang panahon. Gagamitin niya ito laban sa kanyang mga kaaway kaya susubukan siyang pigilan ng dalawa niyang anak bago pa niya masira ang kanilang siyudad.

Huwag palampasin ang mga pelikulang ito sa G!Flicks, Monday to Friday, 8:00 pm at Saturday, 7:05 pm sa GTV.