GMA Logo Backstreet Rookie
What's Hot

Backstreet Rookie: Darrel and Arriane's happy ending!

By Dianne Mariano
Published April 18, 2022 10:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Gabe Norwood’s final buzzer comes as Rain or Shine campaign ends in QF
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Backstreet Rookie


Sa huling linggo ng 'Backstreet Rookie,' isang happy ending ang nakatadhana para kina Darrel (Ji Chang-wook) at Arriane (Kim You-jung).

Sa huling linggo ng Backstreet Rookie, nakatanggap si Darrel (Ji Chang-wook) ng sulat mula kay Arriane (Kim You-jung) tungkol sa tahimik na pag-alis nito at nag-iwan pa ang dalaga ng regalo para sa una.

Nalaman ni Darrel na nagta-trabaho na si Arriane sa isang farm at pinuntahan niya ito. Sa pagkikita ng dalawa, apat na lalaki ang nagtangka sa buhay ni Arriane at sinubukan ni Darrel na mailigtas ang dalaga ngunit natumba agad ang huli.

Dahil dito, mag-isang lumaban si Arriane sa apat na lalaki at matagumpay na napaalis niya ang mga ito. Matapos ang pangyayari, tuluyan nang nagpaalam si Darrel kay Arriane ngunit mayroon pa ring espasyo ang dalaga sa buhay ng una.

Bumalik naman si Arriane sa convenience store ni Darrel upang mag-apply muli bilang part-timer. Sa paghaharap ng dalawa, ibinahagi nina Darrel at Arriane na na-miss nila ang isa't isa.

Sa huli, isinulat ang love story nina Darrel at Arriane simula sa kung paano sila nagkakilala at ginawa itong web toon na pinamagatang Backstreet Rookie.

Balikan ang mga eksena sa huling linggo ng Backstreet Rookie dito.

Backstreet Rookie: Change of heart

Backstreet Rookie: Darrel bids farewell

Backstreet Rookie: Arriane returns!

Backstreet Rookie: Arriane and Darrel's love story