GMA Logo Mario Maurer as Rico
What's Hot

Bad Romeo: Alam na ni Rico na buntis si Kimberly!

Published January 27, 2023 6:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Carlos Yulo, OAJLP Gymnastique advance to finals of Top 12 series in France
Farm To Table: April 5, 2026 LIVESTREAM
Creating with the boundless soul of an artist

Article Inside Page


Showbiz News

Mario Maurer as Rico


Sinubukan nina Kimberly at Rico na tumakas upang ayusin ang kanilang problema.

Bago umalis ang ama ni Kimberly (Yaya Sperbund) na si Michael, sinubukan niyang kumbinsihin ito na payagan siyang bumalik sa England upang ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral.

Pumayag naman ito sa gusto niya ngunit hindi alam ni Michael na nagsisinungaling lamang si Kim. Pagdating sa airport, nakipagkita si Kim kay Rico (Mario Maurer) at sumama rito upang solusyunan ang kanilang problema. Alam na kasi Rico na buntis si Kim at siya ang ama ng bata.

Yaya Sperbund as Kim SOURCE: GMA Network

Nagpatulong si Rico kay Lita (Aokbab Chutimon Chuengcharoensukying). Nakiusap siya na alagaan muna si Kim habang naghahanap siya ng matutuluyan nito. Sa kasamaang palad, nalaman naman ni Christopher na wala si Kim sa eroplano kung kaya't binlackmail niya si Rico.

Tinawagan naman ni Patty si Michael at ikinuwento niya na nakakita siya ng pregnancy test kit sa loob ng banyo ni Kim.

Lalong ikinagalit ni Michael ang kaniyang nalaman. Inisip niya na gagamitin ni Rico ang bata upang makuha ang yaman ni Kimberly.

Ano naman kaya ang gagawin ni Michael kay Rico? Makakatakas na kaya si Kim mula sa strikto niyang ama? Paano na ang kanilang anak?

Abangan ang mas kapana-panabik na eksena Bad Romeo, 9:35 p.m., sa GMA Network.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG 'BAD ROMEO' SA GALLERY NA ITO: