
Habang nagtatago si Rico (Mario Maurer) sa kwarto ni Kimberly (Yaya Sperbund), narinig niya na nagtatalo si Michael at ang anak nito. Hindi niya nagustuhan ang kaniyang mga narinig kung kaya't nagpakita siya sa ama ni Kimberly. Ipinagtanggol niya ang kaniyang sarili laban sa mga ibinibintang nito sa kaniya ngunit nauwi ito sa hindi magandang pangyayari. Nagkasakitan sila at binugbog pa siya ng pinsan ni Kim na si Christopher.
Nalaman na rin ni Michael ang totoong nangyari kina Kim at Rico na lalong ikinagalit nito sa dalawa. Dahil sa takot ni Kim na baka mapatay ng kaniyang ama si Rico, ipinagtabuyan niya ito at sinabihang ayaw niya na itong makita kahit kailan.
Labis naman ang takot ni Kim sa kaniyang ama matapos niyang madiskubre na buntis siya.
Napapadalas ang kaniyang pagkahilo at pagsusuka kung kaya't humingi siya ng tulong kay Lita para kumpirmahin kung nagdadalang-tao nga ba siya.
Tama nga ang kaniyang hinala dahil positive ang naging resulta ng kaniyang pregnancy test.
Hindi naman titigil si Rico sa kaniyang plano na linisin ang kaniyang pangalan. Gagawa pa rin siya ng paraan para mapalapit kay Kim at maibalik ang perang ibinigay sa kaniya ni Michael.
Mahuhuli na naman kaya siya? Ano kaya ang gagawin ni Kim ngayong alam na niyang buntis siya?
Panoorin mamaya sa 'Bad Romeo,' 9:35 p.m., sa GMA Network.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG 'BAD ROMEO' SA GALLERY NA ITO: