
Kilala na ni Kim (Yaya Sperbund) ang tao sa likod ng aksidenteng kinasangkutan niya at ng kanyang ama na si Michael!
Sa flashdrive na ibinigay ni Rico (Mario Maurer kay Kim, napanood niya ang isang video kung saan may dalawang lalaki na sinadyang sirain ang kanilang kotse bago sila umalis ng kanilang bahay. Iniisip ni Kim na ang stepmother ni Rico ang nag-utos sa mga ito
Nalaman din ni Kim mula kay Clare na ayaw ni Rizza (Lukkade Metinee) na may lumalapit kay Rico dahil nagseselos ito kung kaya't ginagawa niya ang lahat upang mawala nang tuluyan ang mga babae sa buhay ni Rico.
Samantala, sa #BREbidensya episode noong Biyernes (August 11) ay napahamak din ang kaibigan ni Rico na si Benj.
Iniligtas kasi nito ang kapatid ni Rico na si Nate mula sa mga nurse na gustong patayin ito.
Mailigtas kaya ni Rico ang kanyang kaibigan at kapatid?
Sino kaya ang nag-utos para patayin si Nate?
Abangan sa mga susunod na episode ng Bad Romeo, 5:10 p.m., sa GMA Network.