
Huling linggo na ng pinakasinusubaybayang Thai drama series, ang Bad Romeo.
Sa nalalapit nitong pagtatapos, lalong magiging malupit ang tadhana kina Kim (Yaya Sperbund) at Rico (Mario Maurer)!
Pagbabayarin ni Michael Kidakarn (Sam Yuranunt Pamornmontri) si Rico sa nangyaring car bombing kahit hindi naman ito ang totoong may kasalanan.
Gagawin naman ng ina ni Rico na si Rizza (Metinee Washington Kingpayome) ang lahat upang sirain ang relasyon ng kanyang anak kay Kim at magawa ang ninanais niya na pabagsakin ang kumpanya ng mga Kidakarn.
Dahil sa mga nangyayari ay nawawalan na rin ng tiwala sina Rico at Kim sa isa't isa. Ito ang magiging dahilan upang pirmahan nina Rico at Kim ang divorce papers nila.
May chance pa kayang maayos nila ang kanilang problema o tuluyan na silang paglalayuin ng tadhana?
Magtagumpay kaya sina Michael at Rizza sa kanilang mga binabalak?
Abangan ang lahat ng 'yan sa huling limang gabi ng Bad Romeo.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG BAD ROMEO SA GALLERY NA ITO: