GMA Logo Mario Maurer as Rico in Bad Romeo
What's Hot

Bad Romeo: Ipaglalaban ni Rico si Kim sa kanyang ama!

By Abbygael Hilario
Published July 6, 2023 7:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Mario Maurer as Rico in Bad Romeo


Alam na ng ama ni Kim (Yaya Sperbund) na nagdadalang-tao siya!

Buntis si Kimberly (Yaya Sperbund) at si Rico (Mario Maurer) ang ama ng kanyang dinadala!

Alam na rin ng ama ni Kim na si Michael (Sam Yuranunt Pamornmontri) ang tungkol dito kung kaya't lubos ang galit niya kay Rico.

Iniisip niya na kailangan lang ni Rico ng pera at inuuto lamang nito ang kanyang anak.

Sa July 6 episode ng Bad Romeo, hindi na mapipigilan ni Rico ang kanyang sarili! Magkakainitan sila ni Michael at ipaglalaban niya ang karapatan ni Kim na maging malaya mula sa kamay ng kanyang striktong ama.

Magdedesisyon na rin sina Kim at Rico na lumayo muna pansamantala hanggang sa maipanganak na ni Kim ang sanggol.

Ano kaya susunod na gagawin ni Michael kay Kim?

Maipakulong kaya niya si Rico?

Abangan mamaya sa Bad Romeo, 5:10 p.m. sa GMA Network.


SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG BAD ROMEO SA GALLERY NA ITO: