GMA Logo Yaya Sperbund, Mario Maurer
What's Hot

Bad Romeo: Makaligtas kaya si Rico mula sa aksidente?

By Abbygael Hilario
Published August 17, 2023 6:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Yaya Sperbund, Mario Maurer


Panoorin ang huling dalawang episode ng 'Bad Romeo,' 5:10 p.m., sa GMA Network.

Sa kagustuhan ni Rico (Mario Maurer) na lumayo at makatakas sa gulo, manganganib ang kanyang buhay!

Sa #BRGlimpseOfHope episode ngayong araw, hindi susuko si Kim (Yaya Sperbund) na hanapin ang katawan ni Rico. Lilibutin niya ang buong isla upang mahanap ang lalaking pinakamamahal niya.

Lalo rin siyang mabubuhayan ng loob dahil sa lantern na makikita niya sa damuhan kung saan may nakasulat na mensahe si Rico para sa kanya.

Samantala, sa #BRBitterTruth episode naman kahapon, nalaman ni Rizza (Lukkade Metinee) na tunay na anak niya si Rico.

Hindi niya maatim ang mga ginawa niya kay Rico kung kaya't naisipan niyang wakasan na lang ang kanyang buhay.

Makaligtas kaya si Rico sa aksidente?

Panoorin ang huling dalawang episode ng Bad Romeo, 5:10 p.m., sa GMA Network.