
Talagang gagawin ni Michael (Sam Yuranunt Pamornmontri) ang lahat para makuha niya si Kim (Yaya Sperbund) kay Rico! Ididiin niya na isang smuggler si Rico (Mario Maurer) at kinidnap nito ang kaniyang anak dahil sa pera.
Nalito na rin si Kim kung sino ang paniniwalaan niya kina Rico at Michael. Sino kaya ang pipiliin niya? Maniniwala kaya siya kay Rico na naset-up lamang ito o sasama siya ng tuluyan sa kaniyang ama? Ipagtatanggol niya kaya si Rico sa pangalawang pagkakataon?
Paano na ang kanilang pamilya kung tuluyang makukulong ang lalaking mahal niya?
May pag-asa pa kaya ang kanilang relasyon kung halos lahat ay tutol dito?
Abangan mamaya sa 'Bad Romeo,' 9:35 p.m., sa GMA Telebabad.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG 'BAD ROMEO' SA GALLERY NA ITO: