GMA Logo Yaya Sperbund, Mario Maurer
What's Hot

Bad Romeo: Manganganib ang buhay nina Rico at Kim!

By Abbygael Hilario
Published August 14, 2023 7:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Yaya Sperbund, Mario Maurer


Hindi mapipigilan ni Rizza (Lukkade Metinee) ang galit niya kina Kim (Yaya Sperbund) at Rico (Mario Maurer)!

Binawian na ng buhay ang kaibigan at kapatid ni Rico (Mario Maurer) na sina Benj at Nate!

Ito ay matapos utusan ng kanyang stepmother na si Rizza (Lukkade Metinee) ang mga nurse na tanggalan si Nate ng oxygen at saksakin si Benj ng lethal injection.

Hindi naman napigilan ni Rico na magalit kay Rizza. Pinuntahan niya ito sa kanyang bahay upang takutin na kunwari ay nilagyan niya ng lason ang inumin nito.

Habang hawak ang kamay ni Kim (Yaya Sperbund) ipinamukha ni Rico kay Rizza na si Kim lang ang babaeng mamahalin niya.

Paglabas nina Rico at Kim sa bahay ay bigla namang sumunod si Rizza at tinutukan ang dalawa ng baril.

Ituloy kaya ni Rizza ang balak niyang pagpatay kina Rico at Kim?

Abangan sa susunod na episode ng Bad Romeo, 5:10 p.m., sa GMA Network.