
Sa kagustuhan ni Kimberly (Yaya Sperbund) na makalaya mula sa kaniyang istriktong ama, nakipagpalit siya ng buhay sa kaniyang kaibigan na si Lita (Aokbab Chutimon Chuengcharoensukying). Sa loob ng sampung araw, mararanasan ni Kim kung paano mamuhay ng simple. Tumira siya sa bahay ni Lita at sa hindi inaasahang pagkakataon nagtagpo ang landas nila ni Rico (Mario Maurer).
Sumugod si Rico sa bahay ng kaniyang girlfriend upang hanapin ito ngunit si Kimberly ang nadatnan niya. Sobra ang gulat ni Rico at inakala niya na masamang tao si Kim kung kaya't pinalayas niya ito.
Pakiramdam naman ni Kim ay niloko siya ni Lita tungkol sa bahay na tinuluyan niya.
SOURCE: GMA Network
Sinubukan ni Kim na tawagan si Lita ngunit hindi ito sumagot.
Iniisip ni Kim na isang kamalasan ang nangyayari sa kaniya dahil nawalan din siya ng wallet bago siya palayasin ni Rico.
Malalaman naman ni Rico ang katotohanan na iniwan siya ng kaniyang girlfriend upang magpakasal sa isang mayamang lalaki. Susugurin niya ito sa kanilang reception at makikita siya ni Kimberly. Susubukan ni Kim na pakalmahin siya. Magawa niya kaya ito?
Abangan ang kanilang muling pagkikita mamaya sa Bad Romeo, 9:35 p.m., sa GMA Network.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG 'BAD ROMEO' SA GALLERY NA ITO: