
May malaking problemang haharapin ang coffee shop ni Barak (Vic Sotto).
The story behind 'Daddy's Gurl'
Hindi magugustuhan ng vlogger/influencer na si Jujubi (Candy Pangilinan) ang signature coffee ng Starbaraks.
Ang problema, mavi-videohan sina Stacy (Maine Mendoza) at Matilda (Wally Bayola) na inaaway si Jujubi matapos nitong laitin ang kape ng Starbaraks.
Magiging viral ang video at sunud-sunod ang negative posts ng mga netizen patungkol sa unica hija ni Barak.
Paano matutulungan ng Otogan family at mga kaibigan si Stacy sa inabot na pangbu-bully online?
Panoorin sa Daddy's Gurl pagkatapos ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento ngayong Sabado, August 10, mga Kapuso.