
Sino nga ba ang hindi makakaalala sa isang batang babae na nag-trending noong 2016 dahil sa natural beauty nito?
Si Rita Gaviola aka Badjao Girl ay ang batang namamalimos na sumikat noon dahil sa kanyang beauty queen looks na nakunan ng isang netizen noong kasagsagan ng Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon.
Sa isang Instagram post, ginulat ni Rita Gaviola ang kanyang followers nang ibahagi niya ang kanyang plano na sumali sa beauty competition na Miss Universe Philippines.
Sa naging interview ng Unang Hirit Barkada kay Rita Gaviola, ibinahagi niya ang matagal na niyang pangarap.
“Dati po pangarap ko magsuot ng gown, nakikita ko 'yung mga iba sobrang ganda. Naiinggit ako. Tapos sabi ko, one day makakapagsuot din ako nito. Hindi man sa ngayon pero soon alam kong maaabot ko 'yung pangarap ko,” sabi pa niya.
“Nung una po syempre parang nag-aalangan pa kasi bata pa ako so parang malabong mangyari ito. Pero, naisip ko why not hindi ako mag-try, wala namang mawawala, kung natalo ka, at least sinubukan mo. Diyan po magsisimula, kailangan mong madapa bago manalo. Para sa akin, hindi man ako manalo o matalo, atleast ako natupad ko 'yung dream ko, napasaya ko pa 'yung ibang tao,” dagdag ni Rita.
Ikinuwento rin ni Rita Gaviola ang mga naging pagbabago sa kanyang buhay simula nang sumikat siya noong 2016.
Aniya, “Ang nabago po sa buhay ko, una 'yung pamamalimos. Sobrang nabago 'yun kasi kung dati nakikita nila ko sa kalsada, namamalimos na may buhat na bata, palaboy-laboy ganyan madumi. Pero ngayon sobrang nabago, sobrang proud ako. Ngayon, nakikita nila ko sa TV. Kahit ako sa sarili ko hindi ako makapaniwala na ako ba talaga to? Parang may isang himala.”
Kasabay ng kanyang pagsikat, nabigyan din si Rita ng pagkakataon na mapanood sa telebisyon.
Naging parte si Rita Gaviola ng GMA Teleserye na Sahaya na ipinalabas noong 2019.
Kung glow up lang ang pag-uusapan, tila walang tatalo sa tinaguriang “Badjao Girl.”
Tingnan ang glow-up transformation ni Rita Gaviola sa gallery na ito.