GMA Logo Baeby Baste at Samsam wearing face masks
What's Hot

Bae-by Baste at pamilya, sumunod sa Locally Stranded Individuals protocol para makauwi sa GenSan

By Cherry Sun
Published June 17, 2020 7:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Baeby Baste at Samsam wearing face masks


Sinunod ni Bae-by Baste at ng kanyang pamilya ang mga hakbang upang safe na makabalik muli sa kanilang probinsya matapos ang enhanced community quarantine.

Balot na balot mula ulo hanggang paa at naka-face mask si Bae-by Baste at ang kanyang pamilya nang sila ay umuwi sa General Santos City (GenSan) sa Mindanao.

Ito ang unang beses nilang nakabalik sa kanilang probinsya simula nang pairalin ang enhanced community quarantine sa Maynila.

Ibinahagi ng batang dabarkads ang naging karanasan ng kanyang pamilya sa kanilang pagbiyahe pauwing GenSan.

Sumunod daw sila sa strict protocols ng kanilang local government unit para sa mga LSI o Locally Stranded Individuals. Simula kasi noong Marso ay nanatili sa Maynila ang kanyang pamilya bilang pag-iingat laban sa COVID-19.

Ayon din sa kanyang Instagram post, nagpapasalamat siya sa Diyos at pati na sa Eat Bulaga executive na si Jenny Ferre para matuloy ang kanilang pagbabalik-probinsya.

Following LGU-Gensan's strict protocol for LSI😀🙏🏻❤️ from airport bus to city service per batch para mahatud sa hotel... kalahutay ragyud mi, ug thank You kaayo Lord.... and thank you po sa among boss, m'm jen na nagpayag mag-uli sa mi sa GenSan❤️🙏🏻❤️ keep safe and stay healthy po mga dabarkads😘

A post shared by Baste (@iambaebybaste) on

Noong June 8 ay muling napanood si Bae-by Baste sa Eat Bulaga. Ngunit gaya ng ibang dabarkads ay nag-livestream lamang siya mula sa kanyang tahanan.

#NewNormal: Ang unang araw ng balik-studio ng Eat Bulaga dabarkads