
Maraming dabarkads ang natuwa at naantig sa sweet birthday message ni Baeby Baste para sa kuya niyang na si Alden Richards, na nagdiwang ng kaniyang 27th birthday kahapon, January 2.
WATCH: Alden Richards headlines hilarious commercial series released on his birthday
Sa Instagram post ni Baste, sinabi niya na hindi niya makalilimutan ang kabaitan ng Pambansang Bae sa kaniya lalo noong kapapasok pa lamang niya sa noontime show.
Hangad din ng Eat Bulaga! child star na matupad ng kaniyang 'idol' ang lahat ng dasal nito.
Hiling din diya ang 'good health' para sa Kapuso actor.
Aniya, “Happy happy happy birthday aking bestfriend kuya @aldenrichards02 ikaw ang unang kalaro ko backstage nung kakapasok ko lang sa Eat Bulaga, ikaw ang unang napag proxyhan ko sa murang edad ko kapag absent ka sa kalyeserye, ikaw ang unang artista na nakasama kong magdasal at magsindi ng kandila pagtapos ng eat bulaga.”
“Ikaw ay iniidolo ko. Naway matupad po lahat ng iyong mga dasal at naway good health kayo palagi.
"Pag malungkot ka, andito lang ako para patawanin ka. Mahal kita Kuya Alden. Happy birthday."