GMA Logo Baeby Baste
Source: iambaebybaste (Instagram)
Celebrity Life

Baeby Baste reunites with 'Eat Bulaga' dabarkads at Tali's Birthday

By Jimboy Napoles
Published November 8, 2022 1:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ysabel Ortega, nagtampo nang mag-solo trip si Miguel Tanfelix sa South America?
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Baeby Baste


Baeby Baste finally meets with his Eat Bulaga family again!

Reunited ang child actor na si Baeby Baste sa ilan sa kanyang mga dating kasamahan sa longest-running noontime show sa bansa na Eat Bulaga. Naganap ito sa fifth birthday celebration ng anak ng dabarkads na sina Vic Sotto at Pauleen Luna na si Tali, kahapon, Lunes, November 7.

Sa Instagram, nagpasalamat si Baste sa pag-imbita sa kanya at sa kanyang pamilya sa espesyal na okasyon na ito nina Tali.

"Happy Happy Birthday to our dear Inday Taliii. Love kayka namo ni Samsam and Mama She. Thank you for inviting us," caption ni Baste sa kanyang post.

Isang post na ibinahagi ni Baste (@iambaebybaste)

Makikita naman sa post ni Baste ang ilan sa mga larawan ng kanilang naging mini-reunion nina Vic at Pauleen kasama pa ang dati ring child star, at EB host na si Ryzza Mae Dizon.

Sa isang panayam noon kay Baste, aminado siya na nami-miss niya ang kanyang Eat Bulaga family.

Aniya, "Nami-miss ko na po 'yung mga dabarkads natin, 'yung mga dabarkads at siyempre po 'yung mga host po natin sa Eat Bulaga."

Nito lamang August 2022, idinaos naman ni Baste ang kanyang 10th birthday kung saan nakatanggap siya ng sweet birthday greetings mula sa kanyang dabarkads family.

MANGGIGIL SA CUTEST PHOTOS NI BAEBY BASTE SA GALLERY NA ITO: