
Wagi ang Dabarkad na si Baeby Baste bilang Best Child Performer sa ginanap na MMFF awards night kagabi, December 27, sa KIA Theater.
Ito ang kanyang kauna-unahang acting award na natanggap mula sa prestihiyosong film festival para sa pelikulang ‘Meant To Beh.’
Nagpost siya sa Instagram ng pasasalamat para sa kanyang pamilya, sa 'Eat Bulaga' at sa bumubuo ng ‘Meant To Beh.'
“Lord first time nako ni, I offer this to You. Sa akong Mama She, Papa Sol, Samsam ug sa akong family sa Gensan para sa inyo ni tanan. Kay Mam Jenny, Bossing, EB Family, whole cast sa Meant to Beh, kay Direk Chris, sa mga ga love sa akoa, part mo ani na award kay kamo ang akong support system. Thank you po sa inyong patience,”
Congratulations, Baste!