
Ngayong September 26, samahan si Dingdong Dantes sa exciting adventure na hatid ng Amazing Earth.
Mapapanood ngayong Biyernes ang African Safari adventure nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico. Mapapanood ang kanilang bakasyon sa Capetown, South Africa kasama ang mga anak na sina Thylane at Maëlys.
Tampok din sa Amazing Earth ang Bilawa Mainit Hot Spring na matatagpuan sa foothills ng Mt. Leonard Kniaseff.
Para sa ikalawang bahagi ng "World's Deadliest Weather," ibabahagi ng Kapuso Primetime King ang unstoppable weather conditions at ang epekto nito sa mga tao.
Abangan ang adventure na hatid ng Amazing Earth ngayong September 26, 9:35 p.m. sa GMA.
Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.
SAMANTALA, BALIKAN ANG HELMET DIVING ADVENTURE NINA DINGDONG DANTES AT ARTHUR SOLINAP SA 'AMAZING EARTH':