
Exciting news mga Kapuso at mga Kapamilya dahil magbubukas ang bagong Bahay Ni Kuya para sa panibagong collaboration edition ng Pinoy Big Brother (PBB).
Sa TikTok videos na in-upload ni Direk Lauren Dyogi na mula ABS-CBN, may big revelation at pahapyaw siya sa muling pagbubukas ng Big Brother house.
Pahayag niya, “Magkakaroon na naman ng PBB, new edition, new collaboration with GMA-7.”
“Abangan n'yo mga detalye niyan. Exciting po 'yan dahil bago rin po [ang] bahay,” pahabol pa ni Direk Lauren.
Nitong March 2026 ay bumisita ang ilang former housemates ng Pinoy Big Brother para magpaalam sa iconic house kasunod ng announcement na isasara na ito at magkakaroon na ng bagong location.
Related gallery: Former PBB housemates bid farewell to the iconic house before the lipat-bahay
Ang recent edition na napanood ng Pinoy viewers ay ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, kung saan sina Caprice Cayetano at Lella Ford ang itinanghal na Kapuso at Kapamilya Big Winners.
Abangan ang susunod pang detalye tungkol sa upcoming season ng Pinoy Big Brother.
Related content: Meet the Fan-Favorite Ships in Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0