
Sa episode 36 ng Kambal, Karibal rerun, simula nang maranasan ni Crisel (Pauline Mendoza) ang mamuhay nang normal sa pamamagitan ng ninakaw niyang katawan ni Cheska (Kyline Alcantara).
Habang masarap ang kanyang tulog sa malambot niyang kama, ang kanyang kakambal naman na si Crisan (Bianca Umali) ay walang matuluyan at sa kalsada na lang namalagi.
Hanggang kailan kaya magpapanggap si Crisel?
Balikan ang mga eksenang 'yan dito:
Muling ipinalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Patuloy itong subaybayan Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.
Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday sa GMANetwork.com at GMA Network app.