What's Hot

Bagong business ni Ate Gay na "Siomai Himala," bukas na

By Dianara Alegre
Published July 23, 2020 1:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ate Gay


Tinanggap ni Ate Gay ang hamon ng pagnenegosyo sa gitna ng COVID-19 pandemic dahil pansamantalang tigil ang trabaho sa entertainment industry.

Dahil pansamantalang tigil ang operasyon ng entertainment establishments tulad ng comedy bars, nagbukas muna ang komedyanteng si Ate Gay ng food business sa gitna ng COVID-19 pandemic para patuloy na kumita.

Matatandaang tuluyan nang nagsara ang comedy bars na Zirkoh at Klownz na pagmamay-ari ni Allan K at pinagtatrabahuan ni Ate Gay.

“Sobrang lungkot ko kasi gabi-gabi ako nagtatrabaho. Wala akong day-off. Minsan nga gabi-gabi, tatlong performance ko.

“Minsan galing pa ako sa raket tapos magpe-perform pa ako ng 12:00 AM to 1:00 AM sa Zirkoh tapos 1:00 AM to 2:00 AM sa Klownz. Minsan everyday 'yon, biruin mo. Kaya ang hirap,” aniya.

Ate Gay

Nabago nang husto ang buhay ni Ate Gay lalo na at walang raket sa TV at pelikula, ngunit sa halip na magmukmok ay naging madiskarte siya at nagbukas ng business sa Tondo, Manila, ang Siomai Himala.

Unang araw unang pag ibig haha ..salamat sa suporta ❤❤❤ bukas uli #siomaihimala

A post shared by Gil (@ategay08) on

Malayo man sa nakagisnang limelight ang ginagawa niya ngayon, positibo pa rin sa buhay si Ate Gay.

“Ang hirap-hirap ng buhay ngayon pero ang mga Pinoy ang hilig-hilig sa pagkain. Ang mapapayo ko lang sa kanila ay aliwin natin ang ating mga sarili. Aliwin sa pamamagitan ng kung ano mang talentong mayroon tayo.

"Kagaya niyan, ang talento ko ay pagluluto sa ngayon. Malay n'yo po ay mas magaling po kayo magluto,” aniya.

IN PHOTOS: Popular stand-up comedians at performers ng Klownz at Zirkoh