
Isang kaabang-abang na Sabado ang ating mapapanood sa bagong tapatan sa Kitchen Bida ng Sarap, 'Di Ba?
Sa darating na July 1, magkakatapat sa cooking showdown sina Cookie (Pekto Nacua) at Belly (John Feir) at ang kanilang coaches na sina Sexbomb Mhyca Bautista and Johlan Veluz.
Ang huhusga sa kanilang ihahandang dish ay ang food explorer at host ng Farm to Table na si Chef JR Royol.
Abangan ang lahat ng ito at huwag magpahuli sa pagkakataong manalo sa Sarap Manalo Promo ng Sarap 'Di Ba? ngayong Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network.