GMA Logo Sang gre
What's Hot

Bagong diwata sa 'Sang'gre,' hot topic sa social media ngayon

By Aedrianne Acar
Published November 3, 2023 2:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rave Victoria tears up as he reunites with his mom
Lake Holon to close temporarily starting January 3, 2026
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Sang gre


Abangan ang announcement mamaya sa '24 Oras' tungkol sa makapangyarihang diwata na mapapanood sa big telefantasya series na 'Encantadia Chronicles: Sang'gre.'

May big surprise ang Kapuso Network mamayang gabi para sa mga Encantadiks, dahil isang bagong diwata ang ipapakilala sa 24 Oras na magiging bahagi ng kuwento ng much-awaited telefantasya series na Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Nitong mga nakaraang araw, isa-isang ipinakilala ang mga bagong Sang'gre. Una na riyan ang Sparkle drama actress na si Bianca Umali na napiling gumanap sa role bilang Terra.

Last week naman, inanunsyo na sina Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Faith da Silva ang mga gaganap sa mga sang'gre na magiging protector ng Brilyante ng Hangin, Tubig, at Apoy.

Ngayong Biyernes ng umaga, isang teaser poster ang in-upload sa iba't ibang social media pages ng GMA-7 kung saan may clue sa bagong diwata sa Sang'gre series.

Sabi sa caption, “Andito na ang makapangyarihang diwatang lulusob at gugulo sa mundo ng #Encantadia!”

Ramdam naman ang excitement ng netizens at fans ng Encantadia para sa magiging official announcement sa 24 Oras mamayang gabi.

Marami rin ang nanghuhula na ang aktres na gaganap sa diwata ay si Solenn Heussaff. Matatandaan na sa finale episode ng Encantadia, ipinakita ang tila kakambal ni Cassiopea.

Sino ang hula n'yo mga Kapuso na gaganap sa malaking role na ito sa Sang'gre?

Tutukan yan sa 24 Oras ngayong gabi!

KILALANIN ANG MGA BAGONG SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: