
Makikilala na natin ang bagong set ng StarStruck Final 14 mamayang gabi, July 7.
Sa huling episode kahapon, July 6, ipinakilala na sina Crystal Paras at Radson Flores bilang returning StarStruck Artista Hopefuls na nagmula sa second chance challenge.
Sila ang dalawang papalit sa matatanggal na male and female Hopeful sa double elimination ngayong gabi.
Sino sa kanila ang hindi pumasa sa comedy artista test? Abangan mamayang gabi sa StarStruck pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.