
Sa pagdating ng Bagong Taon, isang dekalibreng soap ang handog ng GMA Entertainment Group (EG) na tiyak babago sa mga hapon n'yo.
Muli kayong mapapabilib sa mga naglalakihang pangalan pagdating sa drama na magsasama-sama sa isang serye na aantig sa inyong mga puso: Babawiin Ko Ang Lahat.
Bibida sa afternoon drama series ang mga pinakasikat na bituin sa showbiz tulad nina Carmina Villarroel, Tanya Garcia-Lapid, Neil Ryan Sese, Kristoffer Martin, Dave Bornea at John Estrada.
Magsisilbing launch pad din ang Babawiin Ko Ang Lahat para sa promising drama actress na si Pauline Mendoza na gaganap sa unang niyang lead role sa isang soap!
Kabilang din sa star-studded cast sina Therese Malvar, Tanya Gomez, Gio Alvarez, Liezel Lopez at Manolo Pedrosa.
Abangan ang mga nagbabagang eksena sa all-new show na ito ng Kapuso Network sa 2021!
Heto ang paunang silip sa Babawiin Ko Ang Lahat sa video above. Maaari n'yo ring panoorin ito DITO.
Tunghayan ang buhay lock-in taping ng cast ng bagong Kapuso series sa Batangas sa gallery below!
Related content:
Director Jules Katanyag considers Carmina Villarroel one of the "best" in show business
John Estrada impressed with Pauline Mendoza's acting in 'Babawiin Ko Ang Lahat'