
Mainit na inabangan ng manonood ang bagong ice princess ni two-time Winter Olympian Michael Martinez para sa magaganap na pair skating performance nito sa Hearts On Ice.
Noong Huwebes, nakapagtala ng 9.7 percent na ratings ang 42nd episode ng Hearts On Ice base sa NUTAM People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.
Bukod dito, nag-trend din sa Twitter Philippines ang official hashtag ng episode na ito na "Blessing In Disguise," na umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens.
Trending night ftw! 👏👏👏
-- Tropang Kim Uy OFCL Updated (@CuddlesJackie) May 11, 2023
EP42 #HOIBlessingInDisguise@XianLimm @ashleyortega @GMADrama @VivaArtists_ pic.twitter.com/qHjIRkjZpg
Mapapa sana all ka na lang kay Ponggay #HeartsOnIce #HOIBlessingInDisguise
-- lurker_beauty (@lurker_beauty) May 11, 2023
The Enzo and Ponggay hug scene tomorrow!!!! 🥹 #HOIBlessingInDisguise
-- mimsy 🍊• #HOI ⛸️ (@themimsyselkie) May 11, 2023
Monique asking for support from Ponggay#HeartsOnIce @gmanetwork #HOIBlessingInDisguise https://t.co/3xJrr0hHsq
-- Teddy (@tedgirlb) May 11, 2023
Sa 42nd episode ng Hearts On Ice, napanood kung paano nagtagumpay si Yvanna (Rita Avila) na tanggalin sa skating team si Sonja (Skye Chua) dahil sa ginawa nitong pambu-bully kay Monique (Roxie Smith).
Matatandaan na si Sonja ang nanalo sa final audition para sa makakapareha ni Michael sa isang ice show. Dahil sa nangyaring pambu-bully, tuluyan siyang pinalitan bilang partner ni Michael at napagdesisyunan ng skating union na si Monique na ang ipalit sa kanya.
Gumawa naman ng paraan si Sonja para makaganti kay Monique at sinira nito ang skates ng huli dahilan nang pagkakaaksidente nito sa ice rink habang nagte-train.
Sa kabila ng nararamdamang sakit ni Monique mula sa aksidente, ipinilit pa rin ni Yvanna ang pair performance ng anak kasama si Michael. Dito na nakiusap si Monique kay Ponggay (Ashley Ortega) na siya na lamang ang pumalit sa kanya dahil hindi na niya kakayaning makapag-perform.
Abangan ang nakamamanghang pair skating performance nina Ponggay at two-time Winter Olympian Michael Martinez sa Hearts On Ice ngayong Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.
TINGNAN ANG FIGURE SKATING EXHIBITION NINA ASHLEY ORTEGA AT SKYE CHUA SA MEDIA CONFERENCE NG HEARTS ON ICE DITO: