GMA Logo Kuya Kim Atienza
What's on TV

Bagong informative show na 'Dami Mong Alam, Kuya Kim,' abangan sa GMA

By Kristian Eric Javier
Published November 19, 2024 8:20 PM PHT
Updated November 21, 2024 11:01 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kuya Kim Atienza


Alamin ang bagong show ni Kuya Kim Atienza na magdadagdag ng kaalaman sa mga manonood, ang 'Dami Mong Alam, Kuya Kim'.

Isang bagong informative show ang mapapanood sa GMA soon, ang 'Dami Mong Alam, Kuya Kim'.

Ang Dami Mong Alam, Kuya Kim ay isang informative show kung saan itatampok ang ilan sa mga viral videos na napapanood ngayon online. Tatalakayin din ng host na si Kuya Kim Atienza ang ilang fun facts at information na makukuha mula sa videos.

Hindi rin magpapahuli ang mga manonood dahil kasama rin sila sa mga diskusyon. Babasahin ni Kuya Kim ang mga mensahe, opinyon, at tanong ng mga manonood tungkol sa napanood nilang video. Bukod dito, hihikayatin din ng programa ang mga manonood na magpadala ng kanilang videos para sa pagkakataon na makasama sa show!

Abangan ang latest infotainment show na 'Dami Mong Alam, Kuya Kim', soon on GMA.