GMA Logo Its Showtime hosts in Bata Bata Pick
Photo by: @itsShowtimeNa X
What's on TV

Bagong 'It's Showtime' segment na 'Bata Bata Pick', naghandog ng saya sa fans

By Kristine Kang
Published July 30, 2024 2:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Its Showtime hosts in Bata Bata Pick


Todo saya at energy ang handog ng bagong segment na 'Bata Bata Pick' ng 'It's Showtime.'

Puno na kaagad ng tawanan at saya ang umpisa ng noontime program na It's Showtime nitong Martes (July 30), dahil may bagong handog ang programa na mas makulit at masayang segment na, "Bata Bata Pick."

Ang mechanics ng laro ay bubunot muna ang host ng isang player at isang alay galing sa It's Showtime family. Pipili naman ang player kung sino ang pambato niyang It's Showtime kid para gawin ang challenge. Ang dapat niyang piliin ay manalo sa laro kung hindi ay mapaparusahan ang chosen alay.

Sa round one pa lang, todo tawanan na ang madlang Kapuso dahil ang sumabak ay sina Cianne Dominguez bilang player at MC bilang alay.

Pinili ni Cianne sa round ay si Kelsey para labanan si Argus sa larong palayuan ng lipad ng paper planes. Akala ng lahat mananalo si Kelsey ngunit biglang mali ang paglipad ng kaniyang eroplano kaya nanalo si Argus.

Maraming sumubaybay sa punishment ni MC dahil kailangan niyang suotin sa buong programa ang dress at high heels ni Cianne.

MC wearing Cianne s dress

Photo by: @itsShowtimeNa X


Nang lumabas ang dalawa galing backstage, todo tawanan ang lahat sa kanilang hitsura.

"Pero tiyang [Amy] niloloko tayo, hindi naman 'yan si MC, eh. Si Divine Tetay 'yan," biro ni Vice Ganda.

Swerteng nanalo naman sina Vhong Navarro at Kim Chiu sa pahabaang happy birthday challenge ng mga bata.

Pero sa huling round, natawa ulit ang madlang Kapuso sa pagkatalo nina Jhong Hilario (player) at Vice Ganda (alay). Bilang parusa, kailangan mag-hair whip nang paulit-ulit ang Unkabogable Star on stage.

"May vertigo ako friend," pabirong palusot ni Vice.

Sa first try, masayang hina-hype ng comedian ang audience pero biglang nagtangkang tumakas ito backstage. Sa pagbalik niya, ginawa na ni Vice ang punishment ngunit naging epic fail lang dahil tumalsik ang kaniyang wig.

"Babe you still love me pa ba?" tanong ni Vice kay Ion Perez habang magulo ang kaniyang wig.

Sa huli, nanalo sila ng 10,000 pesos na ipinamigay nila sa madlang audience.

Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado,12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Samantala, balikan ang highlights na naganap sa debut airing ng It's Showtime sa GMA 7, dito: