
Tila may bagong dapat abangan na Korean drama na aantig sa puso at isipan ng mga manonood.
Sa isang Facebook post noong June 1, nagpatikim ang GMA The Heart of Asia ng ilang clues tungkol sa latest Korean drama na hatid ng network.
Mala-breaking news ang dating ng imahe na may kasamang caption na, “Dadagundong ang pagnanasa at ambisyon sa parating na K-Drama sa Primetime. Abangan.”
Umabot na sa mahigit 1,000 likes at more than 100 shares ang nasabing post.
Sa comments section, isinulat ng The Heart of Asia fans ang kanilang mga hula kung ano ang bagong Korean drama na dapat abangan.
May isang netizen na nagkumento, “Sana period drama para maganda. Halos lahat ng period drama tinangkilik dito sa atin.”
Habang ang isang fan ang nagsabi, “'Wag kayong ganyan Heart of Asia, teary eyes na naman ako. 'Di ako makakatulog niyan.”
Mga reaksyon ng netizens tungkol sa teaser post. Source: OfficialGMAHOA (Facebook)
Ano kaya ito? Abangan dito lang sa GMA-7!