GMA Logo Genesis Lanuza Durana
Photo source: @bbpilipinasofficial
What's Hot

Bagong kandidata, ipinakilala ng Binibining Pilipinas pagkatapos mag-withdraw ang kandidatang taga-Makati

By Ron Lim
Published April 23, 2026 5:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaki nga nag-snatch sang gadgets sang 2 ka bata sa Oton, Iloilo, nahuli-cam | One Western Visayas
Palace respects ICC’s confirming raps vs. Rodrigo Duterte
TasteAtlas names inasal, adobong manok among the world's best chicken dishes

Article Inside Page


Showbiz News

Genesis Lanuza Durana


Pasok sa kompetisyon si Genesis Lanuza Durana pagkatapos mag-withdraw ni Nicole Sobria.

May bagong pangalan at mukhang susubaybayan ang mga Filipino pageant fans pagkatpos ianunsyo ng Binibining Pilipinas organization na merong pagbabago sa listahan ng mga kandidata ng naturang pageant ngayong taon.

Sa official Instagram account ng organization, ipinakilala si Caloocan City beauty Genesis Lanuza Durana bilang panibagong kandidata. Ito ay matapos umurong ni Nicole Sobria mula sa kompetisyon dahil sa “personal reasons."

Sa caption, nagpahayag ng pasasalamat ang Binibining Pilipinas organization kay Nicole “for the grace and dedication she has shown,” at nagpahayag din ng kanilang excitement para sa “new chapter” ni Genesis kasama ang Binibining Pilipinas.

A post shared by Binibining Pilipinas (@bbpilipinasofficial)

Kasama si Nicole sa 36 finalists na pinangalanan nitong nakaraang buwan.

Related gallery: These 36 women are competing for the 2026 Binibining Pilipinas crown

Kamakailan lamang ay ginanap ang sashing ceremony ng mga kandidata sa Novotel Manila Araneta City. Ang mga kandidata ay maglalaban para maging successor ni Katrina Anne Johnson, ang kasalukuyang Binibining Pilipinas International.

Ang mga delegada ay ang pinakabagong batch na magpapatuloy sa mahabang kasaysayan ng Binibining Pilipinas pageant, na ipinagdiwang ang kanilang 60th anniversary noong 2024 sa pamamagitan ng coffee-table book Beauty Ever After.

Isa lamang ang Binibining Pilipinas pageant sa mga pageant na nag-anunsyo ng pagbabago sa mga kandidata nitong mga nakaraang buwan.

Nitong Marso, sinabi ng Miss Universe Philippines organization na tinanggal ang isang kandidata dahil sa “certain behaviors”.

Kalaunan ay nalaman na ang natanggal na kandidata ay si Imelda Schweighart, na ngayon ay sasabak sa MGI All-Stars pageant.

Related gallery: Check out the controversial events in this year's pageant scene