GMA Logo Tadhana Secrets Part 2
What's on TV

Bagong karakter sa 'Tadhana: Secrets Part 2' may dalang panganib?

By Bianca Geli
Published November 11, 2023 11:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

What is the COVID-19 'Cicada' variant?
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana Secrets Part 2


Pagaagawan ng isang grupo ng mga dalaga ang isang lalaki na hindi malaman ang tunay na gusto

Sa Tadhana: Secrets Part 2, bukod kay Olivia (Analyn Barro), hindi rin nilubayan si Ayen (Lexi Gonzales) ng childhood sweetheart ni Rave (Gil Cuerva) na si Valerie (Ella Cristofani).

Pilit pa rin kasing umaasa si Valerie na sila ni Rave ang itinadhana para sa isa't-isa.

Buong akala ni Valerie ay totoo ang childhood romance nila ng kababata niyang si Rave. Kaya naman laking gulat niya nang malaman na may nililigawan na si Rave na ibang babae -- si Ayen.

Dala ng matinding emosyon, maaaksidente si Valerie at kalaunan ay papanaw. Ang tanging sinisisi sa nangyaring trahedya ay si Ayen! To the rescue naman ang bagong kapitbahay nila na si Claris sa mga nambu-bully kay Ayen.

Pero paano kung ang itinuturing niyang tagapagtanggol ay may maitim na sikreto pala?

Abangan ang natatanging pagganap nina Lexi Gonzales, Gil Cuerva, Ms. Jean Garcia, Ms. Jackie Lou Blanco, Mr. Mike Lloren, Ella Cristofani, Analyn Barro, Jelai Andres, Kyla Garcia at Anna Camille “Menggay” Naguit.

Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa three-part anniversary special ng Tadhana: Secrets Part 2 ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.

PANOORIN ANG FULL TRAILER: